Rider-patay  sa self-accident sa Wave Endurance Challenge  sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Patay ang isang rider sa self-accident sa Wave Endurance Challenge version 2 for A Cause sa Camarines Sur.

Nangyari ito sa Barangay Bataan patungo sa Barangay Tambang, Tinambac Camarines Sur. Aksidenteng bumangga sa puno ng niyog ang motorsiklo na minamaneho ng 25-anyos na lalaki. Sa impact tumilapon sa kalsada ang biktima.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Mark Anthony Malazarte , head organizer ng event, ang ruta nila ay mula sa Iriga City-Bula-Hibiscus-Sagñay- Garchitorena- Tamban Port-Libmanan. Mahigit 200 ang kasama sa 600kms endurance challenge. Ikinalulungkot nila dahil isa ang binawian ng buhay. Ayon sa PNP self-accident ang nangyari.

Pagbibigay diin ni Malazarte, pinaliwanag nila ang ibayong pag-iingat at e-enjoy lamang ang rides dahil hindi naman paunahan. Nailatag naman ang mga rescuers sa bawat bayan dahil well-coordinated naman ang aktibidad.

Siniguro ng organizer ang tulong sa hindi na pinangalanang biktima na dayo pa sa Camarines Sur. Muli nitong pinaalala sa lahat ng riders na kaligtasan ang unahin.

Ang malilikom sana sa aktibidad ay para sa isang paaralan sa Tinambac.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *