Right-wing nationalist Naftali Bennett bagong Prime Minister ng Israel

Pormal nang naalis sa puwesto si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu matapos ang labing-dalawang taon sa puwesto.

Pinalitan ni Right-wing nationalist Naftali Bennett si Netanyahu na agad na nanumpa sa puwesto matapos makuha ang 60-59 na boto ng coalition government.

Binati naman ni Netanyahu si Bennett pagkatapos ng botohan.

Mananatili si Bennett bilang Prime Minister hanggang September 2023 bilang bahagi ng power-sharing deal kasama si Yair Lapid na leader ng centrist Yesh Atid na uupo naman sa pwesto pagkatapos ng dalawang taon.

Mananatili namang leader ng right-wing Likud party si Netanyahu na itinuturing na longest-serving leader ng Israel.

Ayon sa report, nangako si Netanyahu na magbabalik siya sa tamang panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *