Robert De Niro, isang ama muli sa edad na 79-anyos

Isang ama muli ang 79-year-old Oscar-winning actor na si Robert De Niro.

Mismong si De Niro ang nagpabatid nito nang interbyuhin sa ET Canada habang nagpo-promote ng kanyang pelikulang “About My Father.”

Matagal nang napapabalitang nakikipag-date ang aktor sa martial artist na si Tiffany Chen, na naka-collaborate niya sa 2015 film na “The Intern.”

Noong nakaraang Marso, nakita ng paparazzi si De Niro kasama ang isang tila buntis na si Chen, na nasa mid-40s, na umalis sa isang restaurant pagkatapos kumain kasama ang mga kapwa aktor at matalik na kaibigan.

Sa kabila nito. hindi pa rin nagbigay ng ibang detalye si De Niro kung sino ang ina ng ika-7 anak ng aktor.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *