Tom Cruise, interesado raw sa pag-pursue sa puso ni Shakira

Labis na interesado raw ang longtime Hollywood heartthrob na si Tom Cruise na makuha ang puso ng Colombian singer na si Shakira.

Ayon sa celebrity news outlet na Page Six, isang source ang nagpadala ng larawan ni Tom at Shakira habang nasa Formula 1 Grand Prix sa Miami noong weekend at sinabing may chemistry ang dalawa.

Bago ito ay nagpapadala rin raw ng bulalak si Cruise sa singer.

Kasalukuyang single si Shakira, matapos ang 11 taong relasyon sa kanyang nobyo na si Spanish soccer player Gerard Piqué. Dalawa ang anak nila na parehong lalaki na sina Sasha at Milan.

Samantala, tatlong beses naman ikinasal si Cruise. Ang huling karelasyon ni Cruise ay si Hayley Atwell, na tumagal mula 2020 hanggang 2022.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *