Romualdez, hiniling sa DMW na gumawa ng hakbang upang maalis ang placement fee sa mga Pilipino na nais na magtrabaho sa Japan

Hiniling ni House Speaker Martin Romualdez sa Department of Migrant Workers na umisip ng mga paraan upang maalis ang sinisingil na placement fee sa mga Pilipino na nais na magtrabaho sa Japan.

Ginawa ni Romualdez ang panawagan matapos na mangako ang mga kumpanyang nakabase sa Japan na daragdagan ang kanilang mga Pilipinong manggagawa.

Nanawagan din si Speaker Romualdez sa mga aplikante at nagtatrabaho sa Japan na i-report sa DMW sa Osaka at Tokyo ang mga placement agencies na labis ang ipinapataw na singil.

Bagamat ang mga trainee sa ilalim ng Technical Internship Training Program at ilang partikular na skilled workers ang hindi pinagbabayad ng placement fee, mayroon umanong mga Pilipino sa ibang larangan na sinisingil nito.

Nangako ang mambabatas na makikipagtulungan sa DMW upang mahabol ang mga placement agencies na labis-labis ang sinisingil sa mga nais na magtrabaho sa ibang bansa.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *