Sahod ng mga manggagawa sa Bicol Region mayroong pagtaas, unang tranche mararamdaman sa susunod na buwan

LEGAZPI CITY – Makakaramdam na rin ang lahat ng mga manggagawa sa Bicol Region ng pagtaas ng sahod ngayon buwan ng Hunyo.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol naglabas ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board Region V wage order No. RBV-20 na nagbibigay ng PhP55 na dagdag sahod sa dalawang tranches.

Sa unang bisa PhP35 sa bisa ng Wage Order at isa pang PhP20 para sa 01 Disyembre 2022 na nbagong minimum na sahod sa rehiyon ng Bicol.

Sa kabuuhan ang minimum wage na ng mga manggagawa bago magtapos ang taon 2022 umaabot na sa PhP365 para sa lahat ng sektor.

Kung maaalala ang huling Wage Order sa rehiyon ay nagkaroon ng bisa noong Setyembre 21, 2018.

Samantala, ang Lupon ay naglabas ng Wage Order No. RBV-DW-02 na nagbibigay ng buwanang pagtaas ng PhP1,000 para sa mga chartered na lungsod at first-class na munisipyo at PhP1,500 para sa iba pang munisipalidad, na bagong buwanang sahod para sa mga domestic worker sa rehiyon na PhP4,000.

Leave a Reply

Your email address will not be published.