SB Sto.Domingo, kapitan at APEC nag-meeting tungkol sa milyon na utang sa kuryente

LEGAZPI-Pinangunahan ni Mayor Jun Aguas, alkalde ng bayan ng Sto Domingo ang isang meeting kasama ang ang mga myembro ng Sangguniang Bayan, mga kapitan at District Manager ng APEC patungkol sa mga barangay na may malalaki at matataas na utang sa kuryente sa APEC.

Hiniling ni Aguas na magbigay ang APEC ng updated na lista sa mga di pa nakakapagbayad at huwag ng idamay ang mga nagbabayad na consumers.

Samantalang binahagi rin ng nasabing management ang kanilang hakbangin at ano ang kanilang gagawin kung walang kooperasyon ang LGU at mga barangay na concerned.

Sa ngayon nanawagan na lamang ang LGU sa may mga unsetled accounts na magbayad na para di magaya sa ibang mga lugar sa albay na pinutulan ng suplay ng kuryente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *