Search warrant sa mga firearms owner na expired ang rehistro ng baril, ikakasa ng Daraga MPS

LEGAZPI-Magsasagawa ng operasyon ang himpilan ng Daraga Municipal Police Station para sa mga gunowners na expired na ang rehistro ng baril.

Sa nasabing programa ng PNP, ang mga kapulisan ay magbabahay-bahay upang bisitahin ang mga nagmamay-ari ng baril na expired ang rehistro.

Ang may-ari ng baril ay pinapayuhan ng kapulisan na agad na iparehistro ang kanilang baril, o di kaya’y ideposito o i-surrender ito sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya para sa safe keeping habang nasa proseso ng pagrerehistro.

Sa mga nakalipas na araw, ang Daraga PNP ay puspusang nagsagawa ng “OPLAN KATOK” Operation sa iba’t ibang Barangay sa bayan ng Daraga, subalit sa kabila ng makailang ulit na  pagbisita at paalala, marami pa rin ang bilang ng mga hindi nagre-renew o nagsu-surrender ng kanilang mga baril.

Para umano sa mga daragueños na nagmamay-ari ng baril na expired ang rehistro, hinihikayat ang mga ito na makipagtulungan sa kapulisan upang magbigyan ng gabay na ma-irenew ang rehistro ng mga baril o maaari ng i-surrender o idiposito ang baril na expired ang rehistro sa pinaka malapit na himpilan ng pulisya.

Ang sino mang magtago ng baril na expired ang rehistro ay maaaring makasuhan ng paglabag sa RA 10591 o illegal possesion of firearms and ammunition.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *