Sekyu na umano’y tulak ng droga, timbog sa Tuguegarao City

Timbog ang isang sekyu sa pagbebenta ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation ng mga operatiba sa Cataggaman Nuevo, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Nilo Fetalcorin, 42-anyos, may asawa at residente sa nabanggit na lugar.

Ikinasa ang naturang operasyon sa pagtutulungan ng mga kasapi ng Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit, Cagayan Police Provincial Office, Tuguegarao City Police Station at PDEA Region 2.

Huli umano sa aktong nagbebenta ang supek sa isang nagpanggap na buyer ng isang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.

Narekober din sa direktang pag-iingat ni Fetalcorin ang 4 na malalaking sachet na naglalaman ng shabu, 14 na piraso ng small sachet na may lamang shabu, 1 piraso ng 1,000-peso bill, isang timbangan, isang cellphone, gunting, lighter at black sling bag.

Tinatayang aabot sa 30,000 ang halaga ng mga nakumpiskang iligal na droga na may timbang na limang gramo.

Napag-alaman din na si Fetalcorin ay kabilang sa listahan ng Street Level Individual ng mga otoridad.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002 na nasa kustodiya na ang PNP Tuguegarao City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *