Senador, ipina-subpoena ang mga kinatawan ng referees association

Naniniwala si Senador Jinggoy Estrada na maituturing na importanteng isyu ang tungkol sa pagkakaroon ng mas mabigat na parusa o multa para sa mga nagsasagawa ng game-fixing.

Kaugnay nito, inutusan niya ang commission secretariat (COMSEC) ng Senado na ipa-subpoena ang mga kinatawan ng referees o di kaya ng coaches association upang dumalo sa susunod na pagdinig.

Ito ay matapos na walang sumipot sa kanila ni isa.

Ayon kay Estrada, kung sakaling di pa rin papansinin ng mga ito ang kanilang ilalabas na subpoena ay isyuhan ang mga ito ng warrant of arrest.

Maalala, sa ilalim ng approved House Bill No. 4513 o Anti-Game-Fixing Act ay maaring pagmultahin ang mahuhuling lalabag dito ng P50 milyon pataas o di kaya naman ay panghabang buhay na pagkakulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *