Senador nagbabala laban sa cyber-attacks na lubhang mapanganib umano sa national security

Nagbabala si Sen. Raffy Tulfo na kailangang maging maingat ang gobyerno sa pagbili ng mga computers at iba pang technological needs mula sa foreign countries, sa gitna ng kanyang pagkaalarma kaugnay sa mga banta

sa national security ng bansa, dahil sa kakulangan ng cyber security infrastructure at technology.

Sa finance subcommittee hearing sa proposed 2023 budget ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at ng attached agencies nito, binigyang diin ni Tulfo na ang Pilipinas ay vulnerable sa cyber attacks mula sa mga foreign countries, na ikinokonsidera ang bansa bilang kaaway.

Ang pahayag ni Tulfo, ay matapos kumpirmahin ng mga kinatawan mula sa DICT at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na ang Pilipinas ay mayroong mahinang depensa laban sa cyber threats at mga pang-aatake.

Dahil dito, umaasa ang senador na ikokonsidera ng Kongreso na taasan ang 2023 budget ng DICT.

Maliban sa pagpapalakas sa mga defenses laban sa cyber threats, binigyang diin nito na kailangan ng bansa na mag-invest sa mga Filipino “gifted IT experts” na well versed sa anti-hacking practices.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *