PBA: Troy Rosario, hindi na nasurpresa nang ma-trade sa Blackwater

Aminado si Troy Rosario na dismayado siya, bagama’t hindi na nasurpresa na maging bahagi ng three-team trade na nagtapos sa kanyang seven-year stint sa TNT Tropang GIGA.

Mababatid na si Rosario at sharpshooter na si Gab Banal ay ipinadala ng TNT sa Blackwater bilang kapalit kay Calvin Oftana at Raul Soyud, na una nang nakuha ng Bossing sa magkahiwalay na deal sa NLEX Road Warriors.

Ayon kay Rosario, na sa katunayan, inaasahan na umano niya ang naturang scenario noon palang sa Finals ng 2022 PBA Philippine Cup, nang matalo ang TNT sa San Miguel Beermen sa seven games.

Dagdag nito, na bago paman ang trade at finals, may narinig narin umano siya tungkol sa naturang plano.

Samantala, sa unang laro Commissioner’s Cup, nakuha agad ng kanyang bagong team ang 46-point beating mula sa Dragons, na isang Hong Kong-based guest team.

Nabatid na hindi maglaro si Rosario laban sa Bay Area, dahil isang beses lang ito nakapag-practice sa Bossing.

Leave a Reply

Your email address will not be published.