Senador, nanawagan sa Philhealth na bigyan ng kaunting kaluwagan ang mga OFWs sa pagbabayad sa kanilang premium contributions

Nanawagan ang isang senador sa Philippine Health Insurance Corp. o PhilHealth na bigyang kalayaan ang mga overseas Filipino workers ng kaunting kaluwagan sasa pagbabayad ng kanilang premium contributions.

Sinabi ni Senator JV Ejercito, dapat i-subsidize ng gobyerno ang kalahati ng premium contributions ng mga OFW members bilang kompromiso.

Sa paraang ito, sinabi ni Ejercito na kalahati lang ng kontribusyon ang babayaran ng mga OFWs habang ang kalahati ay sasagutin ng gobyerno.

sa pagdinig ng Senate Committee on Health and Demography sa pagpapatupad ng Universal Health Care, sinabi ni PhilHealth acting president Emmanuel Ledesma Jr., na ang mga pamilya lamang ng mga OFWs na naiwan sa bansa ang nakikinabang sa kanilang mga kontribusyon.

Ngunit kung ang isang OFW ay naospital sa ibang bansa, maaari silang mag-apply para sa reimbursement ng kanilang hospital expenses sa Pilipinas.

Muling iginiit ni Ejercito na kailangang amyendahan ang UHC law para tugunan ang kasalukuyang pangangailangan ng mga Pilipino.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *