Mambabatas, naghain ng resolusyon upang imbestigahan ang kuwestyonableng third-party auditor ng Pagcor

Naghain ng isang resolusyon ang isang mambabatas upang imbestigahan ang kuwestyonableng third-party auditor ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o Pagcor.

Inihain ni  Sen. Sherwin Gatchalian ang Senate Resolution No. 452, kung saan inihayag niya ang pagkadismaya sa mga issues sa kredibilidad ng Global ComRCI. Sa huling pagdinig ng Senate committee on ways and means, nalaman ng mga senador na nabigo ang Pagcor na sumunod sa mga umiiral nitong procurement rules.

Kabilang sa mga patakaran ng Pagcor ay ang pagkuha ng contractor na may operating capital na hindi bababa sa P1 bilyon.

Gayunpaman, ang Global ComRCI ay nagsumite ng sertipikasyon mula sa isang bangko na hindi umano nakarehistro sa Bureau of Internal Revenue.

Kinumpirma rin ng Securities and Exchange Commission na walang korporasyon o partnership sa ilalim ng pangalang Global ComRCI ang nakarehistro sa kanila.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *