Senador – suportado ang suspension ng PhilHealth premium hike

Suportado ni Senate Committee on Health Chairperson, Senador Christopher “Bong” Go ang panawagang i-suspend ang premium hike sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ito ay alinsunod sa apela ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa kay Pangulong Bongbong Marcos na i-reschedule muna ang premium hike.

Ayon kay Go, bagamat lifted na ang State of Public Health Emergency sa bansa dahil sa COVID-19 ay ramdam pa rin ang naging epekto nito sa ekonomiya.

Kaugnay nito, nanawagan ang senador na ‘wag ng dagdagan pa ang bigat na nararanasan ng mga Pilipino.

Maliban pa roon, hiniling din niya sa DOH na tiyakin ng mga ito ang pagsugpo sa anumang anomalya sa ahensya at siguraduhing magagamit sa tama ang pondo ng bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *