Senadora Risa Hontiveros, bumwelta laban sa plano ni Marcos na umalis sa ICC

Tinira ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos na mag-‘disengage’ na sa International Criminal Court (ICC).

Ang pahayag ni Marcos ay kasunod ng pagbabasura ng ICC Appeals Chamber sa hiling ng Pilipinas na suspendihin ang muling pagsisiyasat sa war on drugs ng bansa noong panunungkulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Hontiveros, ang binitawang salita ng Pangulo ay magdudulot ng ‘international embarrassment’ o kahihiyan sa Pilipinas. Giit pa nito, nasaan ang integridad sa naging pahayag ni Marcos, gayung lumilipad umano mismo ito sa iba’t ibang bansa para manawagan ng ‘unity’ at pagkakaisa sa international community.

Aniya, isang pagkakamali ang desisyon tumiwalag sa ICC, at ia-isolate lamang nito ang Pilipinas sa sandaling magkaroon ng alyansa ang ibang mga bansa. Binigyang diin nito na best interest pa rin sa mga Pilipino na bumalik sa Rome Statute.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *