Senadora, umaasahang mas assertive si PBBM sa kanyang ikalawang SONA

Umaasa si Senator Nancy Binay na makita ang isang mas assertive na Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang ikalawang State of the Nation Address.

Sinabi ni Binay, kuntento siya sa performace ng Pangulo sa kanyang unang taon ng pamumuno, kung isasaalang-alang ang bigat ng laban ng bansa laban sa Covid-19 pandemic.

Ngunit sinabi ng senador na naiintindihan niya ang diskarte ng Chief Executive, dahil nasa learning curve pa ito, lalo na pagdating sa kanyang mga appointees.

Umaasa rin siya na makukumpleto ng Pangulo ang pagtatalaga sa kanyang Cabinet secretaries.

Ipinauubaya na rin ng mambabatas sa Pangulo ang pagpapasya kung kailan bibitawan ang kanyang tungkulin bilang concurrent secretary ng Department of Agriculture  at magtalaga ng mamumuno sa ahensya.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *