Senate Committee – magsasagawa ng pagdinig sa delayed distribution ng HEA

Muling binigyang-diin ni Senate Committee on Health, Chairperson, Senador Christopher “Bong” Go na kaisa siya ng bawat health workers na nagserbisyo noong panahon ng pandemya.

Kaugnay nito, sa isinagawang panayam ng Brigada Manila ay ibinahagi niyang nagpaplano siyang magsagawa ng pagdinig sa darating na pagbabalik nila sa Senado matapos ang Holy week break.

Maalala, inanunsyo lang kamakailan ng Department of Health (DOH) ang pamamahagi ng P76.1 bilyon na health emergency allowance (HEA) sa mga eligible na public at private health Workers.

Ito ay alinsunod na rin sa RA 11712 o Public Health Emergency Benefits and Allowances for Health Care Workers Act na inihain noong 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *