Senior citizen sa bayan ng Mercedes patay sa COVID- 19, 6 na bagong kaso naitala

CAMARINES NORTE – Patay ang isang 74 anyos na babae na isa sa anim na panibagong kaso ng COVID- 19 sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Siya si Bicol No. 65454 mula sa Barangay 1 na unang nakaramdam ng panghihina ng katawan noong November 14.

Nagpakonsulta ito sa doktor noong November 20 at kinabukasan  ay isinailalim sa RT- PCR test.

Lumabas ang resulta na positibo ito sa COVID- 19 noong November 23.

Walang travel history ang pasyente at hindi rin batid kung paano ito nahawa ng sakit.

Bukod kay Bicol No 65454 ay nagpositibo rin sa sakit ang isang 71 anyos na babae sa Barangay Del Rosario na may local code na Bicol No 65335.

Mayroong hypertension ang pasyente at nakaranas ng pananakit ng dibdib noong November 12.

November 19 lumabas ang resulta ng kaniyang RT- PCR test na positibo sa sakit.

Ang apat pang bagong tinamaan ng COVID- 19 sa naturang bayan ay si Bicol No 65341 na isang 20 anyos na lalaki mula sa Barangay 3.

Unang nakaranas ng sintomas noong November 16 at lumabas na positibo ito sa sakit noong NOvember 19.

Naka- isolate ang pasyente sa Isolation Area ng Camarines Norte Provincial Hospital.

Si Bicol No 65336 naman ay isang 28 anyos na lalaki mula sa Barangay 2.

Lumabas ang resulta na positibo ito sa COVID- 19 noong November 19 pero asymptomatic ang pasyente.

Assymptomatic din o walang nararamdamang sintomas si Bicol No 65450 na taga Barangay 6.

Nagpakonsulta sa doctor noong November 21 at lumabas ang resulta ng RT- PCR test na positibo ito sa sakit noong November 23.

Pinakabata sa anim na bagong kaso ng sakit ay ang tatlong taong gulang na batang babae mula sa Barangay Del Rosario.

Ito ay may local code na Bicol No 65348 na nagpositibo sa sakit noong November 19.

Assymptomatic ang bata , walang travel history at hindi rin batid kung paano nahawa ng sakit.

Dahil sa anim na panibagong kaso, sumampa na sa 203 ang mga naitalang kaso ng COVID- 19 mula noong 2020.

Umakyat na rin sa 22 ang bilang ng mga nasawi dahil sa sakit.

Umabot naman sa 178 ang nakarekober makaraang makapagtala ng tatlong bagong gumaling sa sakit.

Sa opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalaan, hinimok nito ang publiko na patuloy na gawin ang mga pag iingat dahil hindi pa tapos ang COVID- 19.

Hinimok din ng Municipal Health Office ang mga hindi pa nagpapabakuna na magpabakuna na lalo’t isa ang Mercedes sa limang bayan sa Camarines Norte na nagsasagawa ngayon ng Barangayang Suyod Bakuna (BSB).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *