Seven Falls sa Lake Sebu, pansamantalang isinara dahil sa landslides

KORONADAL CITY- PANSAMANTALANG ipinasara ng pamunuan ng South Cotabato Economic Enterprise Management Office (SCEEMO) ang Seven Falls sa bayan ng Lake Sebu dahil sa mga landslides dulot ng mga pag-ulan noong mga nakaraang araw.

Ayon kay SCEEMO In-charge Marlyn Almaden na nagkaroon ng landslide sa mismong entrance ng zipline, daanan patungong Falls No.2 at lugar malapit sa ticket booth.

Dagdag pa ni Almaden na malakas din ang agos ng tubig mula sa Falls No.1 at Falls No.2 at delikado ang mga bato na nahuhulog kasama nito.

Dahil dito, minabuti ng SCEEMO na temporary munang ipasara ang Seven Falls habang nagsasagawa sila ng clearing operation at repair sa lugar.

Nagbabala din si Almaden na walang pananagutan ang provincial government sa mga pilit pumapasok dito mula sa ibang daanan, maliban sa official entrance ng Seven Falls.

May itinalaga na ring guwardiya ang SCEEMO na magbabantay upang masiguro na walang sinuman ang makakapasok sa naturang pasilidad.

Ang Seven Falls ang top tourist destination sa South Cotabato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *