Singil sa Rapid Antigen Test sa border sa Camarines Norte mas mababa kumpara sa ibang lugar

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Provincial Health Office (PHO) na kumpara sa ibang lugar mas mura pa rin ang singil sa Rapid Antigen Test sa Tuaca at Sta Elena border checkpoint para sa mga papasok sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Acting Provincial Health Officer at Incident Commander for Health Dr. Arnel Francisco na P800 lang ang singil sa Testing Center sa Tuaca at Tabugon kumpara sa mga karatig lugar na kadalasang inaabot ng mahigit isa o dalawang libong piso.

Ito umano ay para maging rasonable ang presyo at hindi naman gaanong mabigat sa mga tao.

Sabi ni Francisco na ang paglalagay ng testing center sa dalawang border checkpoint ng probinsiya ay para sa mga  papasok sa lalawigan na walang negative result ng RT- PCR o Rapid Antigen Test.

Batay sa Process flow ng Provincial Incident Management Team, kapag negatibo ang resulta ng Rapid Antigen Test ay maaaring pumasok sa probinsiya basta’t mako- comply ang iba pang mga requirements na nakasaad sa Executive Order.

Kung magpopositibo naman ay ilalagay muna ito sa holding area at susunduin ng concerned LGU para i- isolate sa kanilang isolation facility kapag asymptomatic o mild case.

Kapag moderate o severe ay susunduin ito ng CNPH COVID- 19 ward o kaya ay mayroon namang option ang pasyente na pumasok sa pribadong ospital.

photo courtesy: Economic Times

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *