Sisi Rondina, binista ni Justin Brownlee sa kanyang laro

Ikinatuwa ni Premier Volleyball League (PVL) MVP Sisi Rondina, kasama ang kanyang koponan na Choco Mucho Flying Titans, ang pagbisita ng Gilas Pilipinas player na si Justin Brownlee sa Philsports Arena.

Present kasi sa kanilang laro kahapon si Brownlee, na sinabing nandoon siya para panuorin ang kanyang paboritong player na si Rondina.

Pagkatapos ng laro, hinintay pa mismo ni Brownlee na makilala ang kanyang idol nang personal, at saglit na nagpalitan ng batian ang dalawa bago tumungo si Rondina sa postgame press conference.

Ayon kay Rondina, binoost ni Brownlee ang kanyang confidence at masaya siyang iniidolo siya ng isang Philippine basketball icon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *