Sitwasyon ng Covid-19 sa Pilipinas, nasa manageable status na ayon sa DOH

Nasa manageable status na ang sitwasyon ng Covid-19 sa bansa.

Ginawa ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire ang assessment sa gitna ng desisyon ng World Health Organization na ang Covid-19 ay nananatiling public health emergency of international concerns.

Binanggit din ni Vergeire na ang mga Pilipino ay na-adopt na ang pagsusuot ng facemask at ang vaccine rate para sa primary doses ay umabot na ng 94 percent

Gayunpaman, nauunawaan ng DOH ang desisyon ng WHO na i-classify pa rin ang Covid-19 pandemic bilang PHEIC dahil nananatiling banta ito sa paglitaw ng mga bagong variants.

Sa kasalukuyang sitwasyon sa Pilipinas, naniniwala si Vergeire na hindi na kailangang magpatupad ang bansa ng strict restrictions sa Covid-19. Tiniyak rin ng DOH na patuloy nilang babantayan ang sitwasyon ng Covid-19 sa Pilipinas at sa iba pang bansa.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *