So.Cot nakakolekta ng P 575.7 million na real property tax noong 2021

KORONADAL CITY- NAKAKOLEKTA ang South Cotabato sa pamamagitan ng Provincial Treasurers Office o PTO ng P 575.7 million na real property tax (RPT) noong nakaraang taon.

Ayon kay Local Treasury Operations Officer o LTOO IV Mario Sorongon na malaking bahagi nito ay nakolekta mula sa ipinatupad na condonation program ng mga penalties at interests na umabot sa P 297.5 million.

Umabot naman sa P 222,102,458.39 ang nakolektang real property taxes bilang advance payment ng mga malalaking kompanya para sa taong 2022 kung saan naka-avail ang mga ito ng 20% discount.

Inihayag ni Sorongon na ang 2021 RPT collection ay 40% na mas mataas kumpara sa nakolekta noong 2020 at pinakamataas na naitala ng PTO.

Sa naturang kolekyon, P 178.5 million dito ang provincial share na gagamitin para sa delivery ng basic services sa mga mamamayan sa South Cotabato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *