Solon, hinimok ang Pangulo na magkaroon muli ng peace talks kasama ang NDFP para sa inaasam na ‘unity’

Hinimok ng Makabayan bloc member si Pangulong Bongbong Marcos na muling buksan ang peace talks sa pagitan ng Gobyerno ng Pilipinas at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) kasunod ng pagkamatay ng Communist Party of the Philippines founding chairperson na si Jose Maria “Joma” Sison.

Ayon kay ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, ang muling pagbabalik sa peace table ay makatutulong upang matugunan ang problema sa hindi pagkakapantay-pantay ng Pilipinas, na aniya ay isang daan upang makamit ang hangarin ni Marcos na ‘unity.’

Dagdag ni Castro, upang mangyari ang nais ng administrasyon, isa sa mga paraan na pwedeng gawin ang ang pagiging bukas para sa peace negotiations sa pagitan ng gobyerno at NDFP.

Mababatid na ang NDFP ang negotiating arm ng Communist Party of the Philippines (CPP) kasama ang New People’s Army ay kinikilala ng gobyerno bilang mga terorista. // SMM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *