Monovalent vaccines, puwede pa rin! – DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na maaari pa ring magamit ang monovalent vaccines laban sa COVID-19.

Ito ay sa kabila ng pagbibigay ng Food and Drug Administration ng emergency use authorization (EUA) sa bivalent shots ng Moderna at ng Pfizer.

Sa panayam, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, hindi ititigil ng bansa ang pagbibigay ng monovalent vaccines dahil ito ay epektibo pa rin.

Paliwanag niya, ang mga bivalent vaccines ay magbibigay ng karagdagang proteksyon sa mga nakatatanda at mga vulnerable individuals.

Kaugnay nito, pinag-aaralan pa rin ng ahensya ang paggamit ng naturang bakuna para sa general population.

Inaasahan naman maglalabas ang DOH ng rekomendasyon at guidelines para sa priority population.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *