Solon- P9.3-B confidential, intel funds sa 2023 budget, gamitin para sa P10,000 ‘ayuda’

Imunungkahi ng isang mambabatas na dapat irealign ang umano’y P9.3-billion confidential at intelligence funds (CIF) sa panukalang 2023 national budget para sa cash assistance o “ayuda” sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino.

Ito ang apela ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro sa House of Representatives at sa Senado, sa gitna na patuloy na isinusulong ng Makabayan group ang P10,000 cash aid para sa bawat pamilya.

Ayon kay Castro, kung ang lahat ng P9.3 billion ay ire-realign sa ayuda ay P10,000 ang matatanggap ng bawat mahihirap na pamilya.

Una nang hiniling ng Makabayan bloc kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bigyan ang bawat mahihirap na pamilya ng one-time ayuda na P10,000, upang matulungan umano ang mga epekto mula sa epekto ng mabilis na inflation, gaya ng tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Mababatid na sinimulan na ng Kongreso ang Bicameral Conference Committee meeting kaugnay sa disagreeing provisions ng panukalang P5.268-trillion national budget o ang General Appropriations Bill (GAB) para sa susunod na taon. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *