North Korea, isinusulong ang pagkakaroon ng most powerful nuclear force sa buong mundo

Isinusulong ni North Korean leader Kim Jong Un na magkaroon ng most powerful nuclear force sa buong mundo habang ipinagdiriwang ng bansa ang paglulunsad ng pinakabago nilang intercontinental ballistic missile.

Sa isang seremonya, nagbigay si Kim ng promosyon sa higit sa 100 officials at scientists para sa kanilang trabaho sa Hwasong-17 na binansagang “monster missile” at pinaniniwalaang may kakayahang maabot ang US mainland ilang araw lamang matapos magsagawa ng test-fired ang Pyongyang.

Sinabi ni Kim na ipinakita rin ng mga officials at scientists ang layunin ng Pyongyang na bumuo ng world’s strongest army.

Ang launching vehicle para sa bagong Hwasong-17 ICBM ay ginawaran ng titulong “DPRK Hero” gamit ang acronym para sa opisyal na pangalan ng North Korea.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *