BuCor, target na magtayo ng tig-iisang national prison sa lahat ng 17 rehiyon sa Ph

Target bilang long-term solution para sa dekada nang problema ng Bureau of Corrections (BuCor), ang konstruskyon ng national prisons sa bawat 17 rehiyon sa bansa.

Ayon kay Gregorio Catapang Jr., acting director general ng BuCor, na ang regionalization plan ay maaring magsimula na sa susunod na taon, na naglalayong ma-decongest ang New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ang overcrowding sa Bilibid, ang nakikitang pangunahing dahilan sa marami nilang mga problema, kabilang na ang mataas na mortality rate sa kanilang mga inmates, kung saan 176 na mga bangkay ang nadiskubre noong nakaraang buwan na hindi parin kinukuha ng kanilang mga kaanak, simula noong Disyembre noong nakaraang taon.

Ang NBP, na pinakamalaking kulungan sa buong mundo, ay kasalukuyang may hawak na kabuoang 29,204 inmates sa pasilidad na para lamang sa 6,435. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *