Sorsogon City magkakaroon na ng PRC Satellite Office

SORSOGON CITY—Hindi na mahihirapan pa ang mga propesyunal sa lungsod ng Sorsogon sa pag-aasikaso ng kanilang mga requirements at mga transaksyon sa Professional Regulation Commission (PRC).

Ito’y kapag naisakatuparan na ang planong paglalagay ng satellite office nito sa SM City Sorsogon.

Sa katunayan noong Huwebes ay nagsagawa na ng pre-inspection sa lugar ang LGU-Sorsogon City sa pangunguna ni OIC-City Engineer Roel Domer kasama sina PRC Legazpi City Chief of Operations Jerome Bañes at PRC Regional Director Sharo Lo.

Kasama rin sa isinagawang inspection sina PRC Planning Officer Marifa Amor, Supervising Regulation Engr. Vicente Ollanes, Leasing Manager Joy Ollanes, at SM City Sorsogon Store Manager Ryan Servano.

Nakatakda namang isagawa ang official inspection nito sa katapusan ng buwan na inaasahang dadaluhan ng Commisioner ng PRC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *