Sorsogon PDRRMO, nananatiling alerto sa Bulkang Bulusan

Nananatili pa ring alerto ang Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office para sa mga aktibidad ng Bulkang Bulusan.

Ito ay kahit na bahagyang bumaba ang naitatala nitong volcanic earthquakes batay sa huling monitoring ng mga otoridad.

Sa bulletin, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nakapagtala na lamang ito ng 79 na mga volcanic earthquakes sa magdamag.

Mas mababa ito mula sa 164 sa huling bulletin; at halos tatlong taang volcanic earthquakes na naitala kamakalawa.

Sa ngayon, nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang status ng Bulkan.

Bago ito, una nang sinabi ng Sorsogon PDRRMO sa panayam ng Brigada NewsFM Sorsogon na hindi isinasantabi ang posibilidad na magpatupad ng forced evacuation sa loob ng 4-kilometer danger zone sakali mang magtaas pa sa Alert Level 2 ang status ng Bulusan.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *