Sotto, inirekumenda ang balasahan sa BoC, DA kasunod ng agri-smuggling report

Iminungkahi ni outgoing Senate President Tito Sotto kay President-elect Bongbong Marcos na tuluyan nang alisin ang matataas na opisyal ng Bureau of Customs at ng Department of Agriculture.

Ginawa ni Sotto ang panawagan matapos ang isinagawang imbestigasyon ng Senado na kung saan ay pinangalanan ang 22 mga opisyal ng dalawang tanggapan na ‘di umano’y sangkot sa agricultural smuggling.

Ayon kay Sotto, sa paguusap nila ng paparating na presidente ay inirekumenda na nitong linisin ang dalawang tanggapan na wala umanong ginawa para mahinto ang talamak na modus na ito.

Samantala, sinabi rin ng Senador na kumpyansa naman siyan aaksyunan ni Marcos ang naturang isyu.

Matatandaan kasing magte-take over na muna ang president-elect bilang susunod na kalihim ng Agriculture Department.

Ilang opisyal na iniuugnay sa agri-smuggling, pumalag

Naniniwala si outgoing Agriculture Secretary William Dar na kinakailangang mabigyan ng pagkakataon ang ilang mga opisyal ng DA na isinangkot ng Senate Committee of the Whole sa ulat nito hinggil sa agricultural smuggling.

Mababatid na ayon sa ulat ng kumite, 22 officials, kabilang si Bureau of Customs chief Rey Guerrero, iba pang mga personnel at ilang indibidwal ang ‘di umano’y sangkot o ‘di kaya’y mga protektok sa pagssmuggle ng mga agcitultural goods.

Sa isang Viber message, sinabi ni Dar na dapat ay madepensahan ng mga DA personnel ang kanilang sarili.

Samantala, sa isa namang panyam, sinabi ni Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan na wala raw siyang kaide-ideya kung papaano nasama ang kanyang pangalan sa report ng Senado.

Aniya, ni hindi man lang daw siya pinatawag sa congressional probe at blankgo siya kung bakit siya nadawit dito.

Sa kabila nito, aminado pa rin si Cayanan na mayroon nga raw talagang umiiral na smuggling.

Para naman kay Atty. Yasser Ismail Abbas ng Import Assessment Services sa Customs, ang kanya raw trabaho ay walang kinalaman sa apgbibigay ng clearance sa mga agricultural products.

Iginiit pa nitong wala siyang kakayahan at kapangyarihan para makisawsaw sa usaping agrikutural.

Maliban kina BOC chief Guerrero, Cayanan at Abbas, nasa listahan din ng senate report sina Customs Deputy Commissioner for Intelligence Group Raniel Ramiro; Customs Deputy Commissioner Vener Baquiran ; Customs Intelligence and Investigation Service Director Geofrey Tacio; Bureau of Plant and Industry Director George Culaste; Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Director Eduardo Gongona; BPI Plant Quarantine Services Division Region 3 Laarni Roxas; isang nagngangalang Toby Tiangco; si Mayor Jun Diamante ; at isang na ‘di umano’y number one smuggler ng of meat products.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *