Booster rollout sa lahat ng 12-17, posible nang maumpisahan

Kinumpirma ng Department of Health – National Vaccination Operations Center na maaari nang lumarga ang bakunahan ng booster dose o ‘yung ikatlong shot ng COVID-19 vaccine sa lahat ng mga edad dose hanggang disi-siyete, limang buwan matapos ang kanilang 2nd dose ng primary series.

Ito ang inihayag ng DOH – ilang araw matapos namang ipagpaliban ang pagbabakuna ng booster dose sa mga immunocompromised sector ng nasabing age group.

Sa Viber message, sinabi ng DoH na hinhintay na lamang ang pinal na guidelines para sa rollout nito.

Ayon kay Health Undersecretary and incoming NVOC Incident Manager, Maria Rosario Vergeire, isinasapinal na lamang sa ngayon ang revised implementing guidelines para rito.

Sa kasalukuyan, Pfizer BioNTech pa rin ang tanging vaccine brand na mayroong aprubadong emergency use authorization para sa booster dose ng nabanggit na age bracket.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *