South Korean court, kinilala ang karapatan ng same-sex couple’s

Isang korte sa South Korea ang naghatid ng landmark na desisyon kahapon matapos kilalanin ang karapatan ng magkaparehas na kasarian sa kauna-unahang pagkakataon.

Pinuri ng mga aktibista ang desisyon at itinuring na major victory para sa mga LGBTQ sa bansa.

Nag-ugat ang desisyon ng korte matapos idemanda ni So Seong-wook ang National Health Insurance Service matapos i-terminate ang mga benepisyo ng kanyang partner na si Kim Yong-min na nakarehistro bilang dependent matapos matuklasan na sila ay isang gay couple na ikinasal noong 2019.

Nagdesisyon noon ang lower court na pumapabor sa NHIS ngunit binawi ng High Court sa Seoul ang desisyon at epektibong nag-utos sa insurance provider na ipagpatuloy ang mga benepisyo sa partner ni So bilang isang dependent.

Bagama’t hindi kinikilala ng bansa ang same-sex marriages, ang mga gay relationships ay hindi criminalized sa S. Korea.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *