Turkey magtatayo ng halos 200,000 bahay sa rehiyong tinamaan ng lindol

Magtatayo ng halos sa 200,000 na mga bagong tahanan ang gobyerno ng Turkey sa southeast region na tinamaan ng malakas na lindol dalawang linggo na ang nakararaan.

Sinabi ni President Recep Tayyip Erdogan, magsisimula ang reconstruction sa Marso upang magtayo ng 199,739 na mga tahanan, kabilang ang higit sa 130,000 sa mga pinakamalubhang naapektuhang lalawigan ng Hatay, Kahramanmaras at Malatya.

Sinabi pa ni Erdogan, na ang mga bagong tahanan ay itatayo mula sa mga fault lines o mas malapit sa mga bundok.

Samantala , humigit-kumulang 118,000 na mga gusali na gumuho ang nangangailangan ng agarang demolisyon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *