Stamping ng OR/COR, isa sa mga paraan ng LTO para matugunan ang backlog sa bagong driving permit cards

Tinitingnan ng Land Transportation Office (LTO) ang pag-stamp ng mga official receipt o certificate of registration ng mga car owners sa pagpapalawig ng driver’s license validity bilang short term solution sa gitna ng nangyayaring shortage ng mga plastic cards na ginagamit para sa printing.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, ang hakbang na ito ay isa lamang sa kanilang kinokonsidera na ipatupad, lalo pa’t ang produksyon at delivery ng mga plastic cards ay apektado na ng Temporary Restraining Order na inisyu ng Quezon City court.

Sinabi rin nito na lahat ng paraan ay ginagawa ng ahensya, at nananatili silang bukas para sa anumang suhestyon.

Binigyang-diin naman ni Mendoza na ikokonsulta pa nila sa Department of Transportation ang planong stamping sa mga OR at COR, maging ang pinakamainam na solusyon na dapat ipatupad para hindi na mahirapan pa ang mga drivers at motorista.

Mababatid na una nang iminungkahi ni Agri party-list Rep. Wilbert Lee ang naturang hakbang para tugunan ang backlog sa bagong driving permit cards.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *