Structural survey para sa mga maaapektuhan ng pagsasaayos ng Sorsogon-Bacon domestic airport tapos na

                                                                                                                                           Natapos na ang structural survey na isinagawa ng Pamahalaang Lalawigan ng Sorsogon para sa mga lupain at mga bahay na maaapektuhan ng pagsasaayos ng domestic airport sa distrito ng Bacon.

Sa sulat na ipinadala ni Provincial Legal Officer Atty. Ron Ely Espinosa sa Sanggunian Panlalawigan, ini-ulat nito na tapos na ang isinagawang actual survey sa site location plan ng lokal na paliparan.

Kasabay nito ay hiningi ng Provincial Government sa Sanggunian na magpasa ng ordinansa upang payagan ang PLGU ng expropriation o legal na pagkuha ng mga lupa na maaapektuhan sa palibot ng airport.

Matatandaan na buwan ng Marso nang nagsagawa ang Pamahalaang Lalawigan ng public hearing bilang preliminary phase ng consultation process para sa development ng nasabing domestic airport. 

Ang Bacon Domestic Airport ay itinuturing na alternative airport at mas accessible sa lalawigan ng Albay na maaaring magamit sa oras ng kalamidad partikular na tuwing nag-aalburuto ang Bulkang Mayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *