Sunod-sunod na kaso ng pamamaril sa Masbate, nag-iwan ng apat na patay at dalawang sugatan

Nag-iwan ng apat na patay at dalawang sugatan ang sunod-sunod na shooting incident sa bayan ng Aroroy, Masbate.

Ang madugong insidente ay naitala noong Linggo at Lunes sa magkahiwalay na barangay sa nasabing bayan.

Ang unang insidente ng pamamaril ay nangyrai gabi noong Enero 15 sa Sitio Burabod, Brgy Luy-a kung saan nakilala ang mga biktima na sina Jorence Padua Rala, 25-anyos, habal-habal driver at Lorence Bico Rala, 5-anyos, estudyante at parehong residente ng Brgy Panique.

Natagpuan ang mga labi ng biktima na may mga tama ng bala ng baril. Tatlong pirasong basyo ng bala mula sa kalibre 45 na pistola ang narekober ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen.

Samantala, ang pagdiriwang ng kapistahan sa Sitio Caguco, Brgy Tinigban ay nabahiran ng dugo nang pagbabarilin ang mga biktimang sina Rene Roxas Ross, 21-anyos, binata, at Jhin Mark Rabosa, 39-anyos, mga residente ng nasabing barangay at parehong nasawi sa nasabing pamamaril.

Sugatan naman sina Justine Ragot Ross, binata at Roy Cortes Virtucio, may asawa, Barangay Kagawad, parehong naninirahan sa nasabing barangay.

Nakilala naman ang mga suspek na sina Gary Verano, Nonoy Ferrer Verano, Glen Marco, isang nakilala lamang sa apelyedong Limbaga at isang John Doe.

Tinutugis na ang mga suspek ng tracker team ng Aroroy Police.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *