Super powers, hindi na kailangan ni Pangulong Bongbong Marcos dahil kaya na umano nitong magdekalara ng emergency at kontrolin ang presyuhan ng mga bilihin

Hindi na umano kailangan ng Pangulo ang super powers upang matugunan ang tumataas na inflation sa bansa. Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, palagay niya ay hindi niya na kailangan pang humingi ng powers, dahil kaya niya nang magdeklara ng emergency at kontrolin ang presyo ng mga bilihin.

Ito ay kasunod ng naging pahayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Senior Assistant Governor for the Monetary Police Sub-sector Iluminada Sicat na inaasahang mananatiling mataas ang inflation ngayong buwan.

Sa pagtataya, sinabi ng BSP na inaasahang maglalaro sa 8.5% hanggang 9.3% ang magiging inflation arte sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *