Susi at motor ng isang suspek, naging kapalit sa pag-snatch ng cellphone?

Naniniwala ka ba na ang mga napapanuod mo sa teleserye, pelikula o maging ang mga scripted video sa social media ay puwede pala mangyari sa totoong buhay?

Ganito kasi ang nangyari sa isang lalaking si Mark Russel Zapata sa Alabang kung saan, na-snatch umano ang kaniyang cellphone na nagkakahalagang P10, 000.

Subalit, bago umano magtagumpay ang suspek na makuha ito sa kaniya ay mistulang nakipagbuno pa siya dito hanggang sa tumako ang naturang suspek.

Ngunit, tila madiskarteng pag-atake ang nagawa ni Mark na kung saan ay likas ding mapanunuod sa social media.

Nakuha lang naman kasi ni Mark ang susi ng motor na ginamit ng suspek at agad niya din itong pinaharurot patungo sa pulisya.

Maging ang mga otoridad ay tawang-tawa sa insidenteng ito kung saan sinabi pa nilang sa Tiktok nga lang nila napanunuod ang ganitong insidente.

Biro din ng mga netizens, mistulang nag-barter umano ang suspek at biktima at tila mas ganansiya pa umano si Mark.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *