Suspect sa pag-atake sa isang pamilyang Pilipino sa North Hollywood, arestado na

Naaresto na ng mga otoridad ang lalaking suspect sa pananakit sa Filipino family sa parking lot ng fast-food sa North Hollywood sa America noong May 13.

Kinilala ang suspect na si Nicholas Weber, 31 anyos na pinagbabayad ng $300,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Napag-alaman na maliban sa kaso, mayroon na ring criminal records si Weber kabilang ang domestic violence at driving under the influence of alcohol at ang paglabag sa probation nito.

Matapos ang pag-atake sa Roque family, akusado din si Weber sa pagsasagawa ng hate crime, robbery at public drunkenness

Welcome naman sa pamilya Roque ang pagkakaaresto sa suspect kasabay ng pag-asa na makakamit nila ang hustisya.(LEO NAVARRO-MALICDEM)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.