Fake news websites, dapat unahin ng NTC, hindi AltMedia – Colmenares

Tuloy ang batikos na inaani ng National Telecommunications Commission at ng National Security Adviser sa ginawa nitong hakbang na i-block ang ilang mga websites na iniuugnay sa mga komunista.

Ayon kay BayanMuna chairperson Neri Colmenares – imbis na pag-initan ang mga alternative media organizations ay bakit hindi pagtuunan ng pansin ng NTC ang mga nagpapakalat ng fake news at disinformation.

Aniya, kung tutuusin ay mas mapanganib sa lipunan ang mga nagpapakalat ng maling balita at propaganda.

Para naman kay Integrated Bar of the Philippines former president Atty. Domingo Cayosa, ang ginawang pagba-block ng mga websites na ito nang walang due process at walang sapat na basehan ay malaking paglabag sa consitutional right of the press freedom and expression.

Maaari umano itong maging basehan ng mga reklamong administratibo at kriminal.

Sianbi naman ni retired Supreme Court Senior Assosicate Justice Antonio Carpio na walang otoridad ang Anti-Terrorism Counsil na i-ban ang mga websites ng mga independent media at mga progresibong grupo.

Tila fine-flex lang daw kasi ng ATC ang kapangyarihan nito.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.