Suspek na mahabang taon na nagtago dahil sa panggagahasa sa isang ginang arestado sa Oas, Albay

LEGAZPI CITY – Matapos ang mahigit anim na taon, nabigyan na din ng hustisya ang isang ginang na ginahasa ng akusado noong taong 2016 sa bayan ng Oas.

Isa na namang matagumpay na “Manhunt Operation” ang ipinamalas ng Oas MPS sa Centro Poblacion, Oas, Albay, nang masakote nila ang matagal nang nagtatago ng akusado na nakilala sa pangalang “Beltran”, 46 anyos, magsasaka, at naninirahan sa Brgy. Bangiawon, Oas, Albay.

Ayon sa rekord, ganap na alas sinko ng Enero 20, 2016, nang magtungo ang biktima sa himpilan ng Oas para isumbong ang panghahalay di umano sa kanya ng akusado.

Sa kanyang salaysay, dakong alas sinko, Enero 13, 2016, ay ginahasa umano siya ng akusado sa pamamagitan ng pagtutok ng patalim sa kanyang tagiliran at pagbabanta na papatayin di umano siya nito sakaling magsumbong sa ginawa sa kanya.

Sa patuloy ng paghahanap ng Oas MPS ay matagumpay nilang natunton ang kinaroroonan ng akusado at agad din nilang inihain dito ang “Warrant of Arrest” para sa kasong “Rape”, na ipinalabas ng korte noong Hunyo 21, 2016, na walang inerekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *