Taas presyo ng itlog ramdam din sa Naga City People’s Mall

NAGA CITY –Ramdam sa Naga City People’s Mall ang pagtaas ng presyo ng itlog tulad sa ibang bahagi ng bansa.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga nang makapanayam si Ramon Florendo, Market Superintendent.

₱8.50 pesos na ang small na itlog na mabibili dati ng ₱6.00, sa medium ₱8.70 na ang presyo at sa large ay ₱8.80 na ang bawat piraso na dati ay ₱8.00 lang. May umaabot pa nga sa ₱10.00 na jumbo. Sapat naman aniya ang suplay sa merkado sadyang may pagsipa lang sa presyo.

Ayon pa sa opisyal, nabawasan ng benta ang mga manininda nito dahil may mga mamimili na pigil nang mamili ng itlog.

Ang Department of Agriculture naman ay magsasagawa ng imbestigasyon upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng itlog sa bansa lalo na’t napag-alaman na mababa ang produksyon sa bansa dahil sa pasipa ng halaga ng operating expenses ng mga breeders.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *