Tatlo, patay sa buy-bust operation ng City PNP Station-2 sa Barangay Rosary Heights 7

PATAY ang Tatlu katao samantalang nakatakas ang lider ng grupo na subject sa buy-bust operation na inilunsad ng Cotabato City PNP Station-2 sa pangunguna ni StaCom PCaptain Rustum Pastolero dakong alas 10:30 nitong umaga ng Martes sa bahage ng Purok Paraiso, Barangay Rosary Heights 7.

Sa ulat ng City Station-2 ang mga nasawi ay sina MOTALIB SANDAY SUMURANG aka ABDUL ALI DULUAN alias UTING, 35 anyos, BENJIE VILANUEVA FORTICH, 38, may asawa at SAIDAMEN SUMURANG KASANGUAN aka DATS DULUAN, 26, may asawa na pawang mga residente ng lugar.

Ayon kay Pastolero, naconsumate ang operation ng mabilhan ng isa sa kanilang mga tauhan ng isang maliit na pakete ng suspected shabu ang mga suspek sa halagang 1.000 pesos.Subalit, natunogan ng mga suspek na mga pulis ang kanilang katransaksyon kung kaya walang alinlangan na pinaputokan ng mga target ang mga operatiba na dahilan upang mapilitan ang mga ito na gumante ng putok.

Target ng operation ang isang nagngangalang GINO na matagumpay na natakasan ang mga operatiba.Sa operasyon ay may apat na mga indinidwal ang kinakastigo ng mga otoridad at kapag napatunayan na di ito sangkot sa anu mang kaso ay pakakawalan din ng mga otoridad.Nakuha ng SOCO sa lugar ang 19 fired cartridges of 5.56 M16, 1 unit of 38 revolver pistol with 5 live ammos at dalawang mga fired cartridges nito, 1 genuine 1,000 peso bill at 7 sachets of suspected shabu.

Sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang nakatakas na lider ng grupo at hahablaaan ng kasong may kaugnayan sa droga.Katuwang sa operasyon ang CIU, CPDEU, RACU-15, RHPU BAR, TASKFORCE KUTAWATO at PDEA BARMM.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *