Team PH, nagtapos sa 4th place sa 31st SEA Games

Tuluyang nagtapos ang kampanya ng team Pilipinas sa 31st South East Asian Games sa Vietnam.

Nakuha ng Pilipinas ang ika-apat na pwesto sa medal rank matapos humakot ng 52 gold, 70 silver, at 104 bronze.

Hinirang naman bilang overall champion ang host country na Vietnam na mayroon 206 gold, 126 silver, at 114 bronze medal.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Philippine Sports Commission sa lahat ng national athletes, coaches, team at sports officials mula sa iba’t-ibang National Sports Associations, PSC officials, at mga support and medical staff na lumahok sa naturang sporting event.

Mamayang gabi inaasahang isasagawa ang closing ceremony ng 31st SEA Games at ipapasa ang symbolic torch sa susunod na host na Cambodia.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.