Tennis: Serena Williams, magreretiro na

Inanunsyo ng US tennis great Serena Williams na nagsimula na ang kanyang countdown para sa kanyang pagreretiro mula sa sport.

Ayon sa 40-anyos na 23-time Grand Slam winner, kailangan umano niyang magfocus bilang isang ina.

Napanalunan ni Williams ang huli sa kanyang 23 Slams sa 2017 Australian Open, noong siya ay buntis na sa kanyang anak na si Olympia.

Matapos nito, bigo na niyang makuha ang 24th major na magdadala sa kanyang level sa Margaret Court’s all-time record.

Ang kanyang final attempt naman ay mangyayari sa US Open sa New York ngayong buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.