Thailand, tinanggal ang ‘face mask rule’ upang lumakas ang turismo sa bansa

Tinanggal ng bansang Thailand ang ‘face mask rule’ dahil sa pagbaba ng kaso ng Covid-19 at mapalakas ang turismo sa bansa.

Matatandaang naging compulsory ang pagamit ng face mask dito noong kalagitnaan ng 2021 dahil sa pagsipa ng kaso ng Delta variant.

Ayon kay Prime Minister Prayut Chan-O-Cha, voluntary practice na lang umano ang pagsusuot ng surgical mask o cloth mask.

Samantala, inirerekomenda pa din ng Thailand health ministry na magsuot ng face mask sa mga matatao at kulob na lugar. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *