That’s My Little Florist Over There: Isang American Pika, nagkukumahog sa pag-ipon ng wildflowers sa nalalapit na winter season

Nagmamadali ka ba? Late na? Oops. Wala kayo sa cutie pika na ito!Β 

Huli in action ang walang awat na pagkukumahog ng isang American Pika sa pag-iipon ng mga wildflower para sa nalalapit na winter season sa United States.

Nakunan ng litrato ng isang photographer na si Charles Haupert, ang no-hands na pagdadala ng cute na nilalang na ito sa mga bulaklak habang nasa ilang ng Colorado.

Magsisilbi niya kasing tirahan ang mga iniipon niyang bulaklak sa pagsapit ng taglamig season.

Bihira magpakita at mabibilis, ganito idinetalye ni Haupert ang napitikang Pika.

Sanay sa lamig, ngunit β€˜di kayang tumagal sa init ang mga ganitong specie. 

Kaya, patuloy na pinaalalahanan ng awtoridad na protektahan ang mga ito habang hindi pa naidi-deklara bilang endanger species. ###Johnoah Mae A. Zepeda, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *