Tila minadaling paglalabas ng P10.6-billion mula sa pondo ng NTF-ELCAC, inalmahan sa Senado

Kinwestyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang tila minadaling paglalabas ng P10.6-billion na pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, na nailipat sa loob lamang ng dalawang buwan.

Nangyari ang ito matapos lumakas ang mga panawagan na ma-defund ang NTF-ELCAC at ma-realign ang pondo nito sa COVID-19 response ng gobyerno.

Base sa datos ng Department of Budget and Management (DBM) ay sinabi ni Drilon na aabot na sa P10.68-billion ang kabuoang halaga ng na-release na pondo sa NTF-ELCAC nitong Abril.

Mababatid na may kabuoang appropriation ang task force na P19-billion sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act (GAA), at mula sa nasabing halaga, P16.4-billion nito ay dapat mapunta sa Barangay Development Program, kung saan ay makakatanggap ang 800 barangay ng P20-million bawat isa.

Ipinunto naman ni Drilon na habang wala pang pondo ang P8,000 na ayuda para sa mga pribadong sektor na manggagawa, ay natanggap na ng kontrobersyal na task force ang kabuoan na halaga na P10.68-billion.

Naikumpara rin ni Drilon ang pagmamadali ng gobyerno na mailabas ang pondo ng task force sa mabagal na usad ng rehabilitasyon sa Marawi City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *